Maihahanay raw sa mga Hollywood movies na "Pacific Rim" at "Transformers" ang inaabangang pinakamalaking produksiyon ng GMA Network ngayong 2023, ang "Voltes V Legacy" na mapapanood na pagkatapos ng hit fantasy-historical drama na "Maria Clara at Ibarra."

Iyan ay mula mismo kay Kapuso actress Ysabel Ortega na gaganap bilang "Jamie Robinson" sa Philippine adaptation ng classic anime series mula sa Japan, na ilang beses na ring ipinalabas sa naturang network noon.

"Aside from story niya being about family, about heroism, siguro quality? Talagang pinaghirapan ang show na ito. We took our time and they took their time editing everything. So it's quality and it's free. So sa mga namamangha sa Hollywood films like Pacific Rim, Transformers, they can get that same quality or same feel dito sa GMA," pahayag ni Ysabel sa naganap na media conference dito.

Sinabi naman ni Miguel Tanfelix na siyang gaganap bilang "Steve Armstrong" na wala raw sampalang magaganap dito, kagaya ng napapanood sa mga teleserye.

National

Sonny Angara, nanumpa na bilang DepEd secretary