Pinaplantsa na ang planong pagbisita ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa France sa Hunyo.

Sinabi ni French Ambassador to the Philippines Michèle Boccoz, layunin nito na magkaroon ng malinaw at kongretong plano bago magtungo ang Pangulo sa France.

Ito aniya unang pagkakataong magsasagawa ng state visit sa kanilang bansa ang Pangulo ng Pilipinas mula noong 1989.

Aniya, si dating Pangulong Corazon Cojuangco-Aquino ang huling nagsagawa ng stata visit sa France.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; Signal #5, nakataas sa 2 lugar sa Luzon

Kamakailan, inihayag ni Boccoz na tinanggap na ni Marcos ang written invitation ni French President Emmanuel Macron na bumisita ito sa kanilang lugar.

Inaasahang tatalakayin aniya ng dalawang lider ang usapin sa enerhiya, maritime at food security, climate change at iba pa.