Sa pag-amin na sa wakas ni Paolo Contis kaugnay ng pag-ibig na namamagitan sa kanila ni Yen Santos, hindi naman maiwasang muling maungkat ang dati nang kontrobersyal na showbiz couple.

Basahin: Paolo Contis, inaming dyowa na si Yen Santos, pero di raw dahilan ng hiwalayan nila ni LJ Reyes – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sari-saring reaksyon na mula sa netizens ang agad na tinamo ng dalawa ngayong Lunes matapos ngang diretsa nang aminin ni Paolo ang espesyal na ugnayan nila ni Yen.

Tila hindi naman maunawaan ng Facebook personality na si “Senyora” ang naging dahilan pa rin ni Yen na dyowain ang aktor sa kabila umano ng past nito.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Partikular na hiniritan nito ang umano’y red flag na hindi pala pagsustento ng aktor sa kaniyang mga anak sa dating mga partner na si na LJ Reyes at Lian Paz.

Basahin: Paolo Contis, aminadong sumasablay sa sustento sa mga anak: ‘But I’m saving for them!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Instant viral ang reaksyon ni Senyora ngayong Lunes na ginatungan pa ng libu-libong followers.

“Hirapppp,” aniya.

“Raise your flag, 🚩” pabirong hirit pa niya.

Sa pag-uulat, mayroon na itong nasa mahigit 147,000 reactions.