Ang Kapamilya actress at isa sa mga TV host ng noontime show na "It's Showtime" na si Kim Chiu ang itinanghal na "Best Female TV host" sa naganap na 35th PMPC Star Awards for Television noong Sabado, Enero 28, na ginanap sa "Winford Manila Resort and Casino."

Counterpart naman niya ang Dabarkads host na si Paolo Ballesteros sa katapat at longest-running noontime show na "Eat Bulaga."

Agad na nagpaabot ng pagbati ang It's Showtime management kay Kimmy sa pamamagitan ng opisyal na Facebook page nito.

"Congratulations, Kim Chiu!" saad sa caption kalakip ang art card ng pagbati nila sa host.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa comment section, maraming netizen ang nagpaabot ng pagbati para sa kaniya.

"You're the best Kim. Keep up the good work. Congratulations!"

"Kapag totoong mabait talagang pinagpala. Mula noon hanggang ngayon, Congrats Kimmy!"

"Congrats Kimmy! You deserve that! Super natural at jolly in hosting. Congratulations!"

"Best TV host Kimmy congrats!"

Sa kabilang banda, kapansin-pansin din ang ilang netizens na tila nagtataka kung bakit siya ang napiling best female TV host. Lumutang pa ang mga pangalan nina Anne Curtis, Karylle, at Tyang Amy Perez na mas deserving daw sa award. Nabanggit pa si Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda.

"Ngeks… no hater… pero si Anne or Tyang Amy mas deserve pa."

"Ha paano siya naging main host doon eh si Vice Ganda ang nagdadala ng show na yun. OMG . That award is for Vice."

"Best Female OA host."

"Puro tili at pasigaw naman siya?"

"Best in labas ugat sa leeg sa kasisigaw."

"What? Seriously? Where is Anne and Karylle?"

"Best na yarn? Mga non-sense pinagsasasabi, mali-mali naman. Sorry lang di ako perfect, pero di niya deserve."

"No choice award."

Rumesbak naman para sa kaniya ang mga tagahanga at tagasuporta.

"Ohhh di ba madami pa ding bashers dito, but hey! She got the award. Let her cherish this award. Ganiyan naman talaga eh kahit sa workplace n'yo, aminin n'yo kapag may na-promote, meron at meron pa din kayo sasabihing negative about that person. Kapag inggit, pikit. Congrats, Kim Chiu!"

"Try to see her often. She's good, she's trying to learn. Please be kind!"

"Congratulations, Kim! Bashers are bitter."

"Congrats Kimmy proud of you… ignore na lang doon sa mga bitter… inggit lang mga 'yan…"

"Dami namang bitter dito bakit kaya hindi na lang kayo mag-congrats para everybody happy. Nasa kaniya na yung award di ba may mgagawa pa ba 'yang mga panlalait ninyo? Ganiyan talaga basta mababait hindi lang sa camera pati sa totoong buhay pinagpapala lagi ni God. Lalo pa ngang gumaganda career niya eh saka tingnan n'yo yung mukha niya hindi halatang 30+ na."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kim Chiu hinggil dito.