Pinag-iingat ng Philippine Egg Board Association (PEBA) ang mga mamimili ng murang frozen na itlog dahil sa sakit na maaaring makuha sa pagkonsumo nito.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni PEBA President Irwin Ambal na maaaring makakuha ng mga sakit tulad ng salmonella ang pagkonsumo ng frozens na itlog.

“Ang tawag namin sa Batangas diyan ay ‘loret’. Mayroong sobrang basag na hindi na puwedeng ibenta na nakalagay sa tray kaya ang ginagawa ng ibang poultry farmers ay binabasag nila tapos inilalagay sa plastic tapos nakalagay sa timba,” ani Ambal.

Ayon pa kay Ambal, bagama’t may mga panaderyang gumagamit na rin daw ng frozen na itlog, hindi pa rin nila minumungkahi ang paggamit o pagkonsumo nito.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“May gumagamit niyan na bakeshop pero dini-discourage namin ‘yan dahil hindi ‘yan naaayon sa standards. Pero dala na rin sa kahirapan ng buhay, maraming gumagamit niyan na industries pero karamihan ginagamit ‘yan doon sa bakeries,” anito.

Kapag hindi maiwasang gumamit ng mga frozen na itlog, sinabi ni Ambal na kinakailangan na lang itong lutuing mabuti para mamatay ang mga bacteria at/o virus nito.

Kahit pa tinuturing na “low standard”, marami pa ring mga konsyumer ang namimili ng mga frozen na itlog na karaniwang nagkakahalaga ng ₱55 hanggang ₱60 kada kilo.