Nakumpiska ng Malabon City Police Station (MCS) ang P427,380 halaga ng umano'y shabu at nakuwelyuhan ang dalawang lalaki at isang babae sa buy-bust operation sa Barangay Tonsuya sa lungsod noong Linggo ng gabi, Enero 29.

Ani Col. Amante Daro, hepe ng MCPS, kinilala ang mga suspek na sina Roselyn Alegado, 39; Eduardo Elizalde, 41; at Julius Bautista, 29, pawang mga residente ng Barangay Tonsuya.

Inilunsad ng mga operatiba ng MCPS Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa P. Aquino Avenue sa tabi ng Our Lady of Lourdes Eternal Park Cemetery sa Barangay Tonsuya dakong alas-10:40 ng gabi, Linggo.

Nakuha mula sa mga suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng “shabu,” isang .45-caliber 1911 Colt pistol, at ang buy-bust money.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Aaron Homer Dioquino