Palaban umano ang direktor na si Direk Joel Lamangan para sa kaniyang pelikulang "Oras De Peligro" na isasagawa na ang premiere night sa Pebrero 23, sa SM Megamall, Mandaluyong City, at ipapalabas naman sa Marso 1.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal o PEP, nakatsikahan nila ang 68-anyos na direktor at back to work na ito matapos sumailalim sa operasyon sa puso.

Ani Lamangan, matapang daw ang tema ng pelikula dahil tatalakay ito sa mga nangyari tatlong araw bago umalis sa Palasyo ang pamilya Marcos dahil sa EDSA People Power I.

Base umano ito sa mga "facts" at "historical video."

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Pinabulaanan ng direktor na may 30 minutong halikan scene sa pelikula. Paninira lamang daw iyon at ni wala raw laplapan o tukaan scene sa pelikula.

May maanghang na pahayag si Direk Joel nang untagin kung anong masasabi niya sa balak na pagtapat sa kaniyang pelikula ng "Martyr or Murderer" ni Direk Darryl Yap.

"Tumapat na sila nang tumapat. Kahit tumabi sila nang tumabi, wala akong pakialam. Basta gagawin ko ang pelikula, at tama naman ang pelikula. Ito'y nagsasabi ng totoo," ani Lamangan.

Matatandaang ilang beses na pinatutsadahan ni Yap ang mga pelikulang sinasabing babangga raw sa MoM, gaya ng Oras De Peligro at "Ako si Ninoy" ni Direk Vince Tañada, na siya ring nagdirehe at nagsulat ng 'Katips."