Isang Cypriot na matagal nang wanted kaugnay sa patung-patong na kasong financial fraud sa Greece ang inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3 nang tangkaing lumabas ng bansa nitong Linggo, ayon sa Bureau of Immigration (BI).

Sa pahayag ni Commissioner Norman Tansingco, nakilala ang banyaga na si Renos Neofytou, 59, na paalis na sana ng bansa patungong Kuala Lumpur, Malaysia sakay ng Air Asia nangmaharang ngmga tauhan ng BI matapos matuklasan sa Interpol database na kasama ito sa mga wanted alien.

"It appears that he is a convicted felon who is wanted to serve a prison sentence handed to him by a court in Greece,” ayon kay Tansingco.

Aniya, ipadedeport na nila si Neofytouupang pagdusahan ang kanyang sentensiya.

Eleksyon

Sam Verzosa, pinutulan ng kable ng kuryente sa campaign sortie sa Tondo

“He will then be placed in our immigration blacklist of undesirable aliens and banned from reentering the country,” anang opisyal.

Paliwanag ng National Central Bureau ng Interpol sa Manila, naglabas ng red notice ang NCB ng Greece noong 2017 sa ikaaaresto niNeofytou matapos hatulang makulong dahil sa paglabag sa checks law, hindi pagbabayad ng utang sa gobyerno at pagpapalabas ng gawa-gawang tax documents.

Pansamantalang ikinulong sa warden facility ng BI sa Camp Bagong Diwa, Taguig City si Neofytou habang nakabinbin pa ang kanyang deportation proceedings. 

Philippine News Agency