Naghain ang pulisya ng kasong murder laban sa isang college student dahil sa pagpatay umano sa assistant professor ng Pangasinan State University (PSU).

Sa ulat mula kay Col. Jeff Fanged, Pangasinan police chief, ang kaso ay naka-docket bilang NPS No. I-01-INQ-223-00018 na may petsang Enero 28, 2023 ay inihain sa Office of the Provincial Prosecutor sa Lingayen, Pangasinan noong Sabado, Enero 28.

Walang inirerekomendang piyansa sa suspek.

Matatandaang natagpuan ang katawan ng biktima na si Mark Lagleva, 39, residente ng Brgy. Concordia, Bolinao, Pangasinan, na lumulutang sa ilog ng Brgy. Linoc, Binmaley, Pangasinan, noong Huwebes ng umaga, Enero 26. 

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Nagtamo ng maraming saksak si Lagleva. Gayunpaman, hindi pa matukoy ng pulisya kung iba pang mga suspek.

Kinokondena naman ng PSU ang pagpatay kay Lagleva, "Certainly, this heinous act has no place in a civilized society and more so in an academic community. A man of competence, character, and positivity, Prof. Lagleva’s death is a great loss to the campus and to the university."