Kinalugdan ng mga netizen ang food art ng seafarer at artist na si Jaypee Bacera Magno matapos niyang idibuho ang mukha ni Hesukristo sa isang tinapay, gamit lamang ang toothpick at chocolate spread.

May pamagat itong "Bread of Life."

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ayon sa panayam ng Balita Online kay Jaypee, bata pa lamang siya ay mahilig na siyang gumuhit gamit ang iba't ibang midyum. Isa na nga rito ang mga palaman sa tinapay.

May ilan din siyang food art na condiments naman ang kaniyang ginamit. Aniya, nabigyang-inspirasyon siyang gumawa ng food art dahil sa kaniyang trabaho bilang seafarer. Nakatalaga kasi siya sa kusina.

Karaniwang ginagamit niyang midyum sa pagguhit ay charcoal pencil, graphite pencil, at oil pastels.

Noong 2022, kinabiliban din ng mga netizen ang pagguhit niya ng "The Last Supper" gamit ang chocolate spread sa ibabaw naman ng pinggan.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!