Inihain ni House Deputy Speaker and Las Piñas City lone district Rep. Camille Villar ang House Bill No.6542 na naglalayong mabigyan ng ₱5,000 ang mga fresh graduates sa bansa.

Ayon kay Villar, malaki ang maitutulong ng nasabing ayuda para sa paghahanap ng trabaho ng mga fresh graduate at maging sa panimulang gastusin nila kapag natanggap agad sa kanilang inapplyan.

“While some would label the grant as means of a dole-out, the higher purpose is actually investment in the emerging labor force which is for the best interest of the State,” ani Villar.

“Similarly, it is an aegis of a caring government to provide relief and an expression of the principle of “Parens Patriae”—to show the State’s commitment to promote the highest interest of the Filipino youth,” dagdag niya.

Sa ilalim ng panukalang batas, upang makakuha ng ayuda, kinakailangang magpakita ng kopya ng diploma o kahit anong nagpapatunay na nagtapos ang isang estudyante sa nasabing taon. Ipakikita ang katibayang ito sa government agency o kaya naman ay sa kinabibilangang local government unit.

Kinakailangan din na ang ipakikitang katibayan ay mayroong petsa kung kailan nagtapos, kurso, at lagda ng pamantasang pinanggalingan.

Samantala, isang inter-agency monitoring committee na pamumunuan ng Commission on Higher Education (CHEd) ang bubuuin para sa pangangasiwa ng mga panuntunan ng batas, at para mamonitor ang pagsunod ng mga ahensya ng gobyerno at lahat ng magiging sangkot sa nasabing programa.