Limang residente ang sugatan matapos sumabog ang isang liquefied petroleum gas tank sa apat na palapag na commercial building sa Brgy. 708, Malate, Manila nitong Lunes ng gabi, Enero 30.

Ayon kay Francisco Vargas-Raha, isang fire at volunteer rescuer, apat sa mga biktima ang isinugod sa Adventist Medical Hospital at isa pa sa Ospital ng Maynila (OSMA).

Sinabi ng Manila Police District (MPD) na nagsimula ang sunog dakong alas-7:30 ng gabi. at napatay noong 7:34 p.m.

Mahigit sa 10 trak ang rumesponde sa insidente.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Patuloy na kinakalap ang dagdag na detalye sa istoryang ito.

Diann Ivy Calucin