Patay ang tatlong miyembro ng New People's Army (NPA) nang maka-engkwentro ang pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya nitong Linggo, Enero 29 sa Brgy. Huyon-Uyon sa bayan ng San Francisco, Quezon.
Sa ulat, kinilala ang napatay na rebelde na si alyas Ken, habang hindi pa nakikilala ang dalawa, narekober din sa kanila ang tatlong converted AK47 at bandolier sa isinagawang clearing operation.
Naganap ang engkwentro bandang 4:45 ng hapon nang magsagawa ng hot pursuit operation ang Army 85th Infantry Battalion Reconnaissance Intelligence Team, 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company, at Regional Mobile Force Battalion-4A laban sa mga tumakas na rebelde na sangkot sa engkwentro sa bayan ng San Andres.
Sa naturang engkwentro napatay ang tatlong rebelde at base sa pinakahuling ulat ng Quezon Police Provincial Office ay patuloy pa rin ang bakbakan.