Kalaboso ang 18 tripulante ng isang barko at tatlong bangka matapos silang maaktuhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagnanakaw ng krudo sa nasabing sasakyang pandagat sa bahagi ng Navotas Fish Port kamakailan.

Hindi muna isinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga suspek dahil sa patuloy na imbestigasyon sa kaso.

Bago ang insidente, nagpapatrulya ang mga tauhan ng PCG sa karagatang bahagi ng Navotas City nang mamataan ang mga suspek na nagsasalin ng krudo sa tatlong bangkang Palawan Pirates 2022, Palawan Pirates 2023 at Palawan Patrick mula sa MV MIROLA 1 nitong Enero 28.

Nasa 30,000 litro ng krudo ang naisalin na ng mga suspek bago sila masita ng PCG.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Sa imbestigasyon, pinaniniwalaang kasangkot ang mga suspek sa mga insidente ng fuel pilferage sa Maynila, Bataan, at Batangas kamakailan.

Inihahanda na ng PCG ang kaso laban sa 18 na suspek.