Sa kauna-unahang pagkakataon, inamin ni “King of Talk” Boy Abunda na matagal na niya pa lang hinintay ang makalipat sa Kapuso Network.
Ito ang saad ng TV icon sa panayam ni Bea Alonzo sa YouTube channel nito, Sabado.
“The process was long andi hindi naman arduous. Hindi ito spur-of-the-moment, Kasi Bea, hindi ako nawalan ng contact sa mga kaibigan ko sa GMA-7,” pagsisimula ng host nang matanong ng aktres.
“It was a long process. Prior to Covid-19 [pandemic], I’ll be very honest and I’m saying this for the very first time, we started to talk already about possibilities,” pag-amin ni Tito Boy.
Dagdag niya, “We were talking about possibilities of coming back, of coming home. Hindi naman mahabaan na pag-uusap pero nag-uusap na kami.”
Sunod na saad ni Tito Boy na nanatili siyang matalik na kaibigan sa mga dating katrabaho sa GMA Network kahit na nasa puder ng ABS-CBN sa loob ng halos dalawang dekada.
“I don’t burn bridges,” anang host.
Gayunpaman, inamin ng host na malaking factor lalo ng kaniyang naging sunod na career move nang mawalan ng prangkisa at mawala sa ere ang ABS-CBN noong 2020.
“I waited for a long, long time. Nung nawala na ang prangkisa, that was the time I seriously started to think about possibilities because I miss television,” sey ni Tito Boy.
Matatandaang kagaya ng ilang Kapamilya shows, sinubukan din ng host na pasukin ang online presentation, bagay na hindi rin aniya natagalan.
“Hinanap ko pa rin ang telebisyon. That’s the story,” simpleng paliwanag niya.
Gayunpaman, isa-isang kinausap ni Tito Boy ang naging mga boss sa Kapamilya Network bago ang buong pasya ng paglipat.
“I spoke to each one of them. Inisa-isa ko ‘yan. And I made them understand that I need to do it,” aniya.
Sa huli, ikinatutuwa naman ngayon ng host ang aktibong partnership na ng ABS-CBN at GMA, katuwang ang ilan pang streaming platforms para sa ilang espesyal na palabas.
“Talent is borderless,” aniya na positibong nakikitang benepisyong matatamasa ng manunuod ang pagsasanib-puwersa ng TV networks.