Nagbigay na naman ng karangalan sa bansa si Pinoy pole vaulter EJ Obiena matapos masungkit ang gold medal sa Perche En Or sa Roubaix, France nitong Linggo ng madaling araw (oras sa Pilipinas).

Ito na ang unang gintong medalya ni Obiena sa nasabing international elite indoor pole vault competition.

Natalo ni Obiena si Yao Jie (China) matapos malagpasan ang 5.82 meters sa unang pagtatangka.

Dahil dito, naka-silver medal lamang si Yao matapos malundag ang 5.75 meters.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Nag-uwi naman ng bronze medal si Ethan Cormont ng France.

Inaasahang sasabak din si Obiena sa Kazakhstan para sa Asian Indoor Athletics Championships sa susunod na buwan.

Philippine News Agency