Kinumpirma ni Quezon City 4th district Rep. Marvin Rillo nitong Linggo, Enero 29, na umakyat na sa 18,617 Filipino nurses ang first time na kumuha ng United States (US) licensure exam noong 2022 sa pagnanais na makapagtrabaho sa America.

Ayon kay Rilla, vice chairman ng House Committee on Higher and Technical Education, sa tala raw ng US National Council of State Boards of Nursing Inc. (USNCSBN), makikitang ang datos noong 2022 ang may pinakamataas na bilang ng mga Pinoy nurses na first time kumuha ng National Council Licensure Examination (NCLEX) sa mga nakalipas na 14 taon.

Ang USNCSBN ang siyang nangangasiwa sa NCLEX para sa rehistradong nurses sa America.

Tinatayang 90% na mataas din ang naturang bilang kumpara sa 9,788 Filipino nursing graduates na first time kumuha ng NCLEX noong taong 2021.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

“The number of Philippine nursing graduates taking the NCLEX for the first time is a reliable indicator as to how many of them are eagerly looking for employment in America,” ani Rillo.

Upang maiwasan na ang pangingibang-bansa ng mga Pinoy nurses, binigyang diin muli ni Rillo ang panawagan niyang ipasa na ang House Bill No. 5276 na naglalayong pataasin nang 75% o gawing P63,997 kada buwan ang ngayong P36,619 na sahod ng mga lowest-based nurses na nagtatrabaho sa gobyerno.

Sa ilalim ng nasabing panukalang batas, gagawing Salary Grade 21 ng Salary Standardization Law of 2019 ang minimum base pay ng nurses na nagtatrabaho sa public health institutions.