Usap-usapan ngayon ng kani-kanilang mga tagasuporta at tagatangkilik ng produkto ang concert na idaraos ng magkaribal na sina Glenda Victorio at Rosmar Tan-Pamulaklakin, na parehong gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Ang concerts na ito ay para sa kani-kanilang mga anibersaryo.

Ang "Pinakamakinang" brilliant concert ni Victorio ay magaganap sa Pebrero 7, 2023.

"Registration for #PINAKAMAKINANG : The Brilliant Concert is now closed," ani Victorio.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Maraming-maraming salamat sa mga nag-register para makapunta at makapanood ng pangmalakasang concert ngayong 2023! Yayy!!"

"Sisiguraduhin kong worth it ang punta n'yo sa Smart Araneta Coliseum!"

"Yayanigin natin ang buong venue sa mga guest na mapapanood n'yo lalong-lalo na sa mga prizes na matatanggap n'yo," aniya pa.

Hindi naman nagpahuli si Rosmar at tinawag na "Rosmar Mas Pinalakas" ang kaniyang concert na gaganapin naman sa Pebrero 27.

"Malapit na malapit na!"

"1 MONTH TO GO! Grabe imagine 1st time sa buong SKINCARE INDUSTRY may nakapag-1st anniversary sa ARANETA! Ganun kalakas ang ROSMAR."

"Papunta palang tayo sa exciting part!," saad pa ni Rosmar at ibinida pa ang mga bandang inaasahang magtutungo sa concert bilang guests, gaya ng December Avenue, Spongecola, Itchyworms, at Rivermaya.

"Handa na ba kayo? At ito pa ang pasaboooog! Meron tayong palaro kung saan puwede kayo mag-uwi ng MILYONES! Lahat ng pupunta kasali."

Sino nga kaya ang mas dadagsain?