Isinusulong ng limang kongresista na suspendihin muna ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang ipinatutupad na premium increase ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Sa House Bill No. 6772, binanggit na hindi pa halos nakababawi ang bansa sa naging epekto ng pandemya ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) kung saan karamihan pa rin sa mga negosyo ang hindi pa nagbubukas. Bukod dito, marami pa rin ang walang trabaho. 

Paliwanag ni House Speaker Martin Romualdez, isa sa sa nagsusulong ng panukala, mababawasan ang pasanin ng milyun-milyong manggagawa mula sa gobyerno at pribadong sektor, self-employed at iba pang PhilHealth contributors sakaling maisabatas ang panukala.

Makaiipon aniya ng P600 kada taon mula sa kanilang health insurance premium ang mga empleyado sakaling masuspindi ang premium increase.

National

Super Typhoon Pepito, napanatili ang lakas; Signal #5, nakataas sa 2 lugar sa Luzon

Kabilang din sa limang kongresista sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Senior Majority Leader, Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander Marcos, at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre.

Philippine News Agency