Inanunsyo ng Navotas City Hospital (NCH) kahapon, Enero 28, na pansamantala nilang isasara ang kanilang serbisyong operasyon at paanakan dahil sa tuloy-tuloy na pagsasaayos ng kanilang mga pasilidad.

Sa kanilang Facebook post, kinumpirma ng ospital na magsisimula ang nasabing pansamantalang pagsasara bukas, Enero 30.

“Tuloy-tuloy po ang pag-aayos natin ng mga pasilidad para mas mapataas ang kalidad ng serbisyo sa mga Navoteño,” pahayag ng NCH.

Ipakikipag-ugnay na lamang daw ng nasabing ospital ang mga manganganak na naka-schedule sa kanila sa Tanza Lying In Center sa Sampaguita St., Tanza, Navotas City o kaya naman ay sa Tondo Medical Center sa Honorio Lopez Blvd., Tondo, Manila.

Metro

Umaawat lang! Lalaki, patay matapos mabagok

Sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ni NCH director Dr. Spica Mendoza-Acoba na maglalaan naman daw ang ospital ng operating at delivery rooms para sa mga may emergency cases.

Dagdag pa nito, magbubukas daw muli ang mga naturang serbisyo sa Pebrero 28.