Umakyat na sa 43 ang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa patuloy na pagsama ng panahon, ayon sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong Linggo, Enero 29.
Ayon sa NDRRMC, 20 sa mga nasawi ay kumpirmado kung saan siyam dito ang nagmula sa Zamboanga Peninsula, pito ang galing sa Eastern Visayas, dalawa sa Northern Mindanao, isa sa Davao Region, at isa rin sa MIMAROPA.
Samantala, 11 ang naitalang nasugatan habang pito naman ang nawawala.
Umabot naman na sa ₱1,005,352,780. 11 ang halaga ng napinsala sa sektor ng agrikultura habang 523,190,324.68 naman ang halagang nawala sa imprastraktura.
Sa kasalukuyan, umabot na rin sa 497,015 pamilya o 2,043,686 indibidwal ang naapektuhan sa 14 rehiyon sa bansa. Nasa 199 naman ang baha pa rin dahil sa nasabing pagsama ng panahon.