Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang probinsya ng Sarangani habang magnitude 4.7 naman sa Davao Occidental ngayong Linggo ng tanghali, Enero 29.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), parehong nangyari ang mga nasabing lindol na tectonic ang pinagmulan kaninang 12:23 ng tanghali.

Namataan ang epicenter ng magnitude 5 na lindol sa probinsya ng Sarangani sa layong 05.65°N, 125.29°E - 021 km S 28° E ng munisipalidad ng Glan, na may lalim na 027 km.

Itinala ang mga intensity sa mga sumusunod na lugar:

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Intensity III - Jose Abad Santos at Sarangani, Davao Occidental; Glan, Sarangani; City of General Santos

Intensity II - Don Marcelino at Malita, Davao Occidental; Alabel, Kiamba, at Malapatan, Sarangani; Polomolok, South Cotabato

Instrumental intensities naman naiulat sa mga sumusunod:

Intensity III - Glan, Sarangani; T'Boli at General Santos City, South Cotabato

Intensity II - Talakag, Bukidnon; Don Marcelino, Davao Occidental; Malapatan at Maitum, Sarangani; Tupi, South Cotabato

Intensity I - Alamada, Cotabato; Koronadal City, South Cotabato

Bagama’t walang inaasahang pinsala, pinag-iingat ng Phivolcs ang mga kalapit na lugar sa mga posibleng aftershocks.

Samantala, namataan naman ang magnitude 4.7 na lindol sa Davao Occidental sa layong 5.25°N, 125.38°E - 018 km S 14° W ng munisipalidad ng Sarangani, na may lalim na 032 km.

Dahil dito, isinailalim sa Intensity III ang General Santos City.

Naiulat naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III - Glan, Sarangani; T'Boli, General Santos City, South Cotabato

Intensity II - Talakag, Bukidnon; Don Marcelino, Davao Occidental; Malapatan, Maitum, Sarangani; Santo Nino, Tupi, South Cotabato

Intensity I - Alamada, Cotabato; Koronadal City, South Cotabato

Wala namang naiulat pinsala at inaasahang aftershocks ang pagyanig sa nasabing probinsya.