Tila marami ang nadismayang netizens, lalo na ang mga "Kakampink," sa usap-usapan at kumakalat na poster sa magaganap na "Pasasalamat" concert ng Tingog partylist at UniTeam na kumakalat ngayon sa social media.
Sa katunayan, as of this writing ay trending ang singer na si "Bamboo Mañalac" na kabilang sa mga magiging performers, kasama sina Karla Estrada, Andrew E, at iba pang mga banda.
Hindi pa malinaw kung makakasama rito si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano.
Marami sa mga netizen ang nagulat na kabilang sa naturang event si Bamboo. Sinariwa ng mga netizen ang kaniyang awiting "Tatsulok."
Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.
"BAMBOO? Tikes."
"Here is your reminder that Bamboo did NOT write 'Tatsulok.' The song was an original by the band Buklod, of which Noel Cabangon is a member of. It was written during the Cory Aquino Administration, specifically when she shifted to the right and went all out against the NPA."
"May bago na naman bang ika-cancel ang Pinklawan?"
"Cancel Bamboo na?"
"Bamboo wasn't able to truly comprehend Tatsulok's message. What a shame."
Trending din tuloy ang kaniyang awiting "Tatsulok" na tila raw hindi tumimo sa singer ang kahulugan ng kanta. Inalala pa ng mga netizen kung sino ba talaga ang orihinal na kumanta at nagsulat nito.
Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Bamboo tungkol dito.