Nanawagan muli si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga Manilenyo nitong Linggo na ipagpatuloy pa rin ang pagsusuot ng facemask upang makaiwas na dapuan ng COVID-19.

Ayon kay Lacuna, bagamat opsiyonal na ang pagsusuot ng facemask sa ngayon at mababa na rin ang mga naitatalang mga bagong kaso ng COVID 19, ay hindi nangangahulugan ito na wala na nga ang virus.

Sinabi ni Lacuna, na isang doktor, sa kanyang pag-iikot, ang isa sa mga katanungan na madalas na maitanong sa kanya ay kung kailangan pa rin ba ang pagsusuot ng facemasks dahil siya man ay laging nakasuot nito.

"Optional na ito, dangan lamang ay di maiwasan ang pagdidikit-dikit o mahirap ang pagpapatupad ng physical distancing especially pag me okasyon halimbawa dumalo kayo sa fiesta o nagpunta saChurch, nanood ng concert o basketball. Dikit-dikit ang mga tao dun," paliwanag ng alkalde.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi pa ni Lacuna na ang mga taong nakakaranas lamang ng mild na sintomas ng sakit ay hindi na kailangan pang magpa-swab test.

Aniya, maaaring mag-antigen testing na lang ang mga ito, na maaari nang bilhin sa mga botika at gawin sa loob mismo ng kanilang bahay.

Sakali aniyang magpositibo ang resulta nito ay kailangang mag-isolate ang pasyente hanggang sa tuluyan itong gumaling.

Anang alkalde, ang mga ganitong kaso ay hindi na itinatala dahil ang kailangan lamang aniyang irekord ay yaong nagpositibo sa virus, gamit ang RT-PCR test, na opisyal na proseso ng testing para sa COVID-19 cases.

Binigyang-diin pa ni Lacuna na ang pagsusuot ng facemasks ay mandatory pa rin sa loob ng mga pagamutan, klinika, laboratoryo, nursing homes, medical transport facilities, paramedic rescue vehicles, mga ambulansiya at maging sa mga pampublikong transportasyon.