Inaprubahan na ng Department of Agriculture (DA) ang ₱110 milyong karagdagang pondo na hiniling ng Philippine Rubber Research Institute (PRRI) para gamitin sa paggamot sa naimpeksyong mga plantasyon ng goma sa Basilan.

Sa pahayag ng DA, sinabi nito na mahalaga ang nasabing budget lalo na’t naapektuhan na ng Pestalotiopsis disease ang mahigit 800-ektaryang plantasyon sa probinsya na nagdulot ng pagka-impeksyon ng 40% hanggang 100% rubber trees.

“Pestalotiopsis leaf fall disease can cause gradual falling of leaves. If left untreated, it will cause the tree to become leafless. Leaf fall or defoliation results to the decrease in the number of canopy of the rubber plant which decreases its latex production,” pahayag ng DA.

Dagdag nito, bubuo raw ang PRRI ng grupo ng mga eksperto para mangasiwa sa paggamot sa mga apektadong plantasyon. Nakipag-ugnayan na rin umano ang PRRI sa lokal na pamahalaan ng Basilan para rito.

Probinsya

Basilan, isinailalim sa state of calamity

“Under a one-year treatment plan, the rubber trees will undergo mist fogging, drone aerial spraying of fungicide, fertilization and weed management,” anang DA.

“The fungi Pestalotiopsis sp. which cause leaf fall disease can co-infect other pathogens and may cross-infect other crops, such as mango and palms which are also massively produced in BARMM,” pahayag pa nito.

Matatandaang isinailalim sa state of calamity ang probinsya ng Basilan noong Enero 23 dahil sa Pestalotiopsis disease.

Napinsala na rin ng nasabing peste ang mga plantasyon ng goma sa Malaysia, Thailand, Indonesia, Sri Lanka at iba pang ibang mga bansa sa Asya.