Tatlong lalaki ang inaresto ng pulisya sa isang buy-bust operation sa Taguig noong Enero 27.

Kinilala ng Taguig police ang mga suspek na sina Joshua Sy, 21; Dennis Gayas, 29; at Jowel Cartalla, 29.

Bandang alas-10 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Taguig police’s Drug Enforcement Unit at Substation 5 sa kahabaan ng J. Cruz Street sa Barangay Calzada Tipas sa Taguig na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong suspek.

Narekober sa pulisya ang siyam na plastic sachet ng hinihinalang shabu (methamphetamine hydrochloride) na naglalaman ng 20 gramo na may halagang P136,000; 11 plastic sachet na may tuyong dahon at mga namumungang tuktok ng hinihinalang marijuana na tumitimbang ng 26 gramo at nagkakahalaga ng P3,120; isang .45-caliber pistol; isang magazine na puno ng limang piraso ng live ammunition; at P1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money.

National

Romina, patuloy na kumikilos patungong Southern Kalayaan Islands

Nasa kustodiya ng Taguig police ang mga naarestong suspek habang ang iligal na droga ay itinurn-over sa Southern Police District Forensic Unit.

Sasampahan sila ng mga paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Jonathan Hicap