Marami ang naantig sa post ng netizen na si Zion Tan tampok ang kuwento ng nakilala niyang bata na may tunay na malasakit sa mga pusa na pagala-gala lamang sa lansangan.

Sa post ni Tan sa isang Facebook group na ‘Cat Lovers Philippines,’ napansin niya ang isang bata na nakaupo sa isang convenience store na may katabing pusa na nakasilid sa kahon kaya kinausap niya ito.

Kuwento raw ng bata, nakita lamang niya ang pusang iyon sa likod ng nasabing convenience store.

Mahilig daw talaga itong kumupkop ng mga pusang pagala-gala lamang sa lansangan. Marami na raw siyang naiuwi sa kanilang bahay kaya’t hindi na niya maiuuwi ang hawak niyang pusa. Hindi na raw siya papayagan ng tatay niya dahil sobra na raw ang mga pusang kalye na naiuwi niya.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Kaya po ako tumambay dito kasi nagbabakasakali po ako na baka may gustong umampon sa kaniya,” sabi ng bata ayon sa post ni Tan.

Agad namang pumayag si Tan at sa ngayon ay nasa bahay na raw nila ang nasabing pusa.

“Napaliguan na rin at napainom ng vitamins,” sabi pa niya sa kaniyang post.

Maraming netizens ang naantig sa malasakit ng bata sa mga hayop na walang matirhan.

Komento nila:

“Saludo ako sayo bata. Sana lahat ng bata mabait sa pusa.”

“God bless those people who have kindness like this❤️.”

“Salamat sa pagtulong ❤️. Thanking on behalf of the feline community.”

“God bless this boy. And more blessings sa tumulong mag-ampon. 💖

“This kid will grow up in abundant blessings for he is compassionate to animals.”

Umabot na sa mahigit 4,300 reactions, 162 comments, at 194 shares ang nasabing post.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!