Ibinahagi ng Facebook user na si Joi Domine ang larawan ng sagot ng kaniyang anak para sa kanilang assignment katulad na lamang ng "May chanak akong kapatid" at “May aswang sa bubong namin” na nagdudulot ng good vibes sa mga netizens.

Makikita sa larawan na kailangan ng mga mag-aaral na magbigay ng apat na pangungusap gamit ang salitang "May" at isa pang apat na pangungusap gamit ang salitang "Mayroon".

“Minsan, sa dami na nang gagawin, my times na tina-tamad na siyang mag isip kung anong isusulat. So whatever comes up sa mind randomly, yun na yun. And he’s kind of a joker kasi jolly kid masyado, so minsan my mga out of the box na thoughts.” kuwento ni Joi.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Sa kaniyang post, nilinaw ni Joi na walang ‘aswang’ sa kanilang kuwarto at walang ‘chanak’ na kapatid ang anak niyang si Dejan. Sadyang malawak lamang umano talaga ang imahinasyon ng anak.

“- hindi tinamad pero sumobra naman sa imahinasyon – Sorry na po, Ma’am. At least gumawa ng assignment,” dagdag pa niya.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong istorya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!