Nasa₱8 hanggang₱9 ang ipapatong sa presyo ngliquefied petroleum gas (LPG) sa susunod na linggo.
Sa pahayag ng ilangimpormante sa oil industry, ang price adjustment ay katumbas ng₱88 hanggang₱99 nadagdag sa kada 11 kilong tangke ng LPG.
Ito ay resulta ngpaggalawng international contract price ng LPG.
Inaasahan ding tumaas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Sa pagtaya ng Department of Energy (DOE), hindi hihigit sa₱1ang posibleng dagdag sa diesel kada litro, habang mahigit₱1 naman sa kada litro ng gasolina at kerosene.
Nauna nang idinahilan ni DOE-Oil Industry Management BureauAssistant Director Rodela Romero, ang pagbubukas ng ekonomiya ng China na pangalawa sa pinakamalaking kumokonsumo ng petrolyo sa buong mundo.