Laugh trip ang hatid sa mga masugid na tagasubaybay at manonood ng "Maria Clara at Ibarra" ng GMA Network ng isang eksena kung saan nag-impake ng kaniyang mga gamit at toiletries si "Klay," ang karakter ni Kapuso actress Barbie Forteza, bilang paghahanda sa muli niyang pagpasok sa mundo ng Noli Me Tangere, na tatawid na sa El Filibusterismo.

Ang El Filibusterismo ay pangalawang nobela ni Dr. Jose Rizal, at sequel o karugtong ng Noli Me Tangere. Ang pagitan o agwat ng panahon ng mga pangyayari sa dalawang obra ay 13 taon.

Natawa ang mga netizen dahil nagdala na ngayon ng sabon, sipilyo, toothpaste, shampoo, at maging de lata si Klay na nagmistulang field trip daw.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

https://twitter.com/GMADrama/status/1618952017774346241

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen.

"Bess need mong abre-lata. Wala rin yung isang lata. Tapos, di ka magdala ng napkin? Menopause ka na ba? Magdala ka na rin ng camera with extra battery at power bank."

"Dapat nagdala din sya cellphone o tablet at powerbank disable lang niya cellular features at low power mode niya para tumagal power at installan mga offline apps at lagyan ng mahahalagang files hahaha."

"Turista starter pack lang hahahaha."

"Magdala ka sunblock hahaha."

"Huwag kalimutan ang underwear ha hahahaha."

Trending sa Twitter ang episode na #MCIPagbabalik.