Sa tulong ng programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), nagkaroon ng pagsasanay sa pagtutubero at pagmamason ang mga kababaihang benepisyaryo ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS) sa Almeria, Biliran.

Sa pahayag ng DSWD nitong Biyernes, Enero 27, layon daw ng programang Kalahi-CIDSS na basagin ang stereotype sa kababaihan sa pamamagitan ng mga aktibidad na magpapatunay na kaya rin nila ang mga trabahong pangkaraniwang ginagawa ng kalalakihan.

“In Almeria, it was noted that the participation of women, especially in the implementation of sub-projects was low as construction work was seen to be the role of men,” anang DSWD.

“Hence, the DSWD, together with the local government unit (LGU) of Almeria forged a partnership agreement with TESDA on empowering women through non-traditional skills training which started in 2019,” dagdag nito.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Ginanap ang nasabing training sa Cabucgayan Vocational School sa Biliran, isa sa mga accredited training institutions ng TESDA.

Ayon pa sa DSWD, lahat daw ng sinanay sa programa ay nakapasa sa National Competencies Level II (NC II) Exam na pinangangasiwaan ng TESDA.

Upang magamit ang natutunan matapos ang nasabing training, inatasan sila ng programang KALAHI-CIDSS na gawin ang proyektong water system at drainage canal sa kanilang komunidad.

Kasama ang kanilang mga asawa, binayaran sila ng ₱38.12 kada oras o ₱305 kada araw.

“With the involvement of the trained women in the construction, the water system was completed nine days in advance while the drainage canal was constructed 31 days ahead of the scheduled completion date,” saad ng DSWD.

Ayon pa sa DSWD, dumami raw ang kababaihang lumahok sa proyekto ng Kalahi-CIDSS na siyang naging daan upang makuha nila ang target na 85% participation rate.

Samantala nagtutulungan na umano ang KALAHI-CIDSS Field Office VIII at LGU ng Almeria sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya, akademya, civil society organizations, at mga pribadong sektor upang matulungan ang mga trainee nilang magkaroon ng trabaho at magamit ang natutunang kakayahan.

Isa ang Kalahi-CIDSS sa mga programa ng gobyernong pinangangasiwaan ng DSWD para mabawasan ang kahirapan sa bansa.