Nagsilbing instant babysitter ang isang security guard sa Naga City matapos nitong kargahin ang sanggol ng isang ginang na may transaksyon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa Facebook post ng netizen na si Christian Echipare, ikinuwento niya na habang nakapila raw ang ina ng nasabing sanggol sa priority lane para magbayad sa PSA, nilapitan daw ng guwardiya ito para magprisintang kargahin muna ang bata.

Hirit pa raw ng guwardiya nang kargahin ang bata: “wag n’yong picturan, baka magalit asawa ko" na siya namang dahilan ng tawanan sa loob ng opisina.

“Salamat idol guard❤️💪👍🫡 nakakatuwa ka...🥰😍,” ani Echipare sa kaniyang post.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Sa ulat ng 103.1 Brigada News FM Naga, Camarines Sur, sinabi ng nasabing security guard na si Pablo B. Abrantes Jr. na naalala raw niya ang kaniyang apat na anak noong mga maliliit pa sila habang hawak niya ang sanggol.

Nang makita ang post ni Echipare, agad itong shinare ng Facebook page ng PSA Camarines Sur at nagbigay ng pahayag sa kabutihang ginawa ng naturang sekyu.

“Aming binibigyang pagkilala si Mr. Pablo B. Abrantes Jr., para sa kaniyang magandang serbisyong ipinapakita at ang pagkakaroon niya ng malasakit sa kaniyang kapwa habang ginagampanan ang kaniyang tungkulin bilang security guard ng PSA Naga City Serbilis Outlet,” pahayag nito.

Sabi naman ng netizens sa comment section:

“Sana lahat good samaritan para good vibes lahat ng tao.”

“Sobrang bait po talaga ni kuya guard at matulungin pa. Saludo po ako sa’yo, Sir.”

“Good job!”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!