Matapos ang kamakailang anunsyo ni James Reid sa opisyal na pagkansela ng sana'y "Love Scene" North America tour ngayong taon, samu’t saring reaksyon at pambabatikos ang tinamasa ng aktor.

Kamakailan, sa isang Instagram story idinaan ni James ang anunsyo, ilang araw lang bago sana ang pag-arangkada ng nakalinyang shows sa Enero 29 hanggang Pebrero 26.

Basahin: ‘Lovescene’ tour ni James Reid sa North America, aarangkada sa 2023 – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Firstly, I want to thank you for the overwhelming response to the tour, to all my fans and supporters, thank you from the bottom of my heart. The past year has been an absolute ride, and with your support, I’ve been able to grow and experience unbelievable things beyond my wildest dreams. At the same time, it’s been an exhausting grind that has really taken a toll on my health; physically, emotionally, and mentally,”paglalahad na ni James sa dahilan ng kanselasyon.

Tsika at Intriga

Carlos Yulo, wala pa raw naibibigay na tulong sa pamilya kahit palihim na abot?

Dagdag niya, “Making my fans proud is my top priority, and at this time I’ve realized that I wouldn’t be able to give you guys the performance and experience that you deserve. It wouldn’t be fair to you and fair to the people who have supported me in creating this album.”

Sa huli, nangako naman ang aktor na itutuloy niya ang concert sa North America sa hinaharap.

“To my fans in North America, I’ll be preparing to come back even stronger – with more music and an even bigger, better show for you, sooner than you think. I’ll make sure it’ll be worth the wait. Brb. Love you all. James,” pagtatapos ng “U & I” singer.

Sa kabila ng paliwanag ng aktor, tila hindi naman kumbinsido ang followers ng kilalang showbiz hub na “Fashion Pulis.”

Dito kasi, pinutakte ng anynymous comments ang umano’y tunay na dahilan ng kanselasyon ng mga show.

“Either flop/hindi kumita o kikita OR mismanagement. what is happening to you james? gusto niya siya lang gumagawa? ayaw magpatulong? geez men,” saad ng isang komento.

“Taking a toll financially kamo,” segunda ng isa pa.

“Flopped,” paglalarawan ng isa pa sa naging move na ni James.

“Taas agad ng pangarap. ni hindi nga kumikita mga pinoproduce na mga show tapos mag north american tour? Pleeeeeeaaassssseeeeeeeee!”

“Anu ba nangyayari kay James para sya may sariling universe na sya lang main character ganun!”

“My gosh! Ganito ba ka delusional si james reid, bakit sya mag tour sa America e di naman sya kilala jan hello!”

“Tour outside of the Phils? Why? Has he established an international career? Does he have hit songs that are known worldwide?🤭🤣”

“Masyadong matayog to the point na padalos-dalos na. Dapat pag-isipang mabuti lahat. He definitely bit more than he can chew.”

“Alam na this! walang bumili o hindi na reach yung target so kailangan i-cancel.”

“Seryoso ba to? North American tour talaga? AFAIK, sumikat sya dto sa US nung kasagsagan ng On the Wings of Love show nia with Nadine. Other than that wala na. I don't think people will spend money, d nman sya singer talaga!”

“Hindi madali ang mag-organize ng tour. James has a lot of ambition but has no knowledge how to actually make it happen. Very impractical ang mag-launch ng tour without researching the market. He's not popular anymore, he's not in demand. He doesn't have a dedicated fanbase or a big social media presence. Who would actually spend money to fill out a venue to watch him sing a few songs?”

Higit isandaang parehong komento ang mababasa sa artikulo ng “Fashion Pulis” na ginatungan na rin ng showbiz insider na si Ogie Diaz.

“Naku, ‘yun nga ‘yung tinuturo nilang dahilan na flop daw ang ticket sales. ‘Yun din ‘yung nakarating sa’kin eh,” sey ng manager sa isang showbiz update ngayong Sabado, Enero 28.

Matatandaan din ang nagka-aberyang “Wavy Baby Festival” ng aktor sa Cebu tampok ang ilang international at local artists kamakailan.