Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na hindi magpapaimbestiga ang gobyerno sa International Criminal Court (ICC) kaugnay sa madugong drug war campaign sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado, nilinaw ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na dapat igalang ni ICC prosecutor Karim Khan ang soberanya at judicial system ng Pilipinas.

Magsasagawa aniya ng sariling imbestigasyon ang pamahalaan hinggil sa sunud-sunod na pamamaslang na may kaugnayan sa anti-illegal drugs campaign sa panahon ni Duterte.

"We want to express to ICC and to the special prosecutor, Mr. Khan, just to give us time to conduct our own investigation," ani Clavano.

National

Bagyong Carina lumakas pa, isa nang ganap na tropical storm

Binigyang-diin ni Clavano, tinatanggihan nila ang pasya ng ICC na ipagpatuloy ang pagsisiyasat sa usapin dahil "gumugulong" at "organisado" ang justice system sa bansa, kumpara sa mga African nation na inimbestigahan nito.

"These are countriesna wala talagangjustice system,wala talagang gobyerno.It’s under chaos. If we accept the decision of the ICC, it is as if we are admittingnawe are on the same level as those countriesna wala talagang gobyerno," aniya.

"We are going to conduct a full-blown investigation on the past administration's war on drugs. It's not fast.Hindi siya mabilisan. We have to collect the right evidence. We have to obtain the witnesses in these cases. And we have to properly screen all the facts of the cases. So, it takes time.Hindi naman agad-agad makukuha angconviction but that is the goal," dagdag pa ni Clavano.

Noong Nobyembre 2021, itinigil ng ICC ang imbestigasyon nito sa umano'y reklamong crime against humanity laban sa kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte upang pag-aralan ang lawak at epekto ng deferral request ng pamahalaan.

Philippine News Agency