Itinanggi ngDepartment of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na nangongolekta sila ng membership fee para maka-avail sa programang pabahay ng gobyerno.

Sa pahayag ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na isinapubliko ng Malacañang nitong Biyernes, binalaan nito ang mga indibidwal na ginagamit ang ahensya upang pagkakitaan ang mgabenepisyaryo ng programa.

“Marami pong kumakalat na akala po binabayaran ang membership paramakapagpalistasa ‘Pambansang Pabahay.’ Hindi po kami humihinginganumang bayad at mismong local government unit (LGU) po ang nakikipag-usap tungkol d’yan,” sabi ni Acuzar.

“Kaya dapat sa local government po dumiretso dahil sa LGUs din naman po namin ipapasa ang matatapos naming projects,” dagdag pa ng opisyal.