NUEVA ECIJA -- Sumuko sa awtoridad ang isang dating miyembro Communist Terrorist Group (CTG) nitong Biyernes, Enero 27.

Base sa report na isinumite kay Police Col. Richard Caballero, acting provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, nagsagawa ng Jaen PNP at Philippine Army ang Special Intelligence Operation.

Nagresulta ito sa kusang pagsuko ni "Ka Fernan," 49, residente ng Brgy. San Eustacio Aliaga, Nueva Ecija.

Dati siyang miyembro ng Alyansang Mambubukid ng Gitnang Luzon sa ilalim ng pamumuno ni Nicomedes Ortiz alyas Dagohoy Command.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Isinuko naman ni Ka Fernan ang homemade Caliber .38 revolver na walang serial number kasama ang dalawang ammunition.

Nasa kustodiya na ngayon ng Jaen Police ang dating CTG member.