Halos maiyak ang singer na si Angeline Quinto sa balak na pag-ampon ng businesswoman-vlogger na si Small Laude sa kaniya.

Sa panibagong vlog ng singer, nag-kumustahan ang dalawa habang nililibot ang isa sa mga mansiyon ng pamilya Laude. Sa kalagitnaan ng kwentuhan, binanggit ni Tita Small na natutuwa siya sa mang-aawit dahilan upang ampunin niya ito.

“May sasabihin ako sa'yo… Gusto ka naming i-adopt as my sister sa family,” seryosong pagbubunyag ni Tita Small kay Angeline.

“Kasi pinapanood kita, sa mga vlogs mo you’re so nice ‘nung namatay yung mom mo kaya sabi ko ang bait-bait, okay ‘to. Tsaka gusto ko may singing voice sa house para ma-tutor mo ‘ko, so gustong-gusto ka namin talaga i-adopt. Alam ng ate ko ‘yan,” paliwanag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ikinagulat naman ito ng singer at sinabing hindi pa naman siya kilala masiyado ng pamilya Laude, biro niya pa siya ang magiging “Medium” na Laude sa magkakapatid dahil mayroon ng Small at “Large” naman daw ang nakatatandang Laude.

Itinodo pa ni Tita Small ang pagpapaliwanag nang sabihin nito na inaayos na raw ang mga papeles para sa magiging adoption. Dito na nagsimulang magsimulang mag-seryoso si Angeline at tila naguguluhan pa rin sa mga pahayag ni Tita Small dahilan upang mangilid ang mga luha nito.

“Tita, bibisitahin na lang kita lagi, hindi ko naman maiiwan yung dalawa kong boys. Thank you po dahil naisip niyo ‘yan, nagulat ako sa inyo, bakit niyo nasabing gusto niyo akong ampunin?,” lahad ni Angeline.

Bumigay na rin si Tita Small at binasag na ang drama nang sabihin nitong prank lang ang kaniyang mga sinabi at ibinuking na pakana ito ng team ni Angeline. Ayon sa singer, nararamdam ng kanyang team na nangungulila siya sa kalinga ng isang ina kaya siguro naisip nilang makipag-sabwatan kay Tita Small. Matatandaang nasawi ang adoptive mother ni Angeline na si Mama Bob taong 2020.

Sa ngayon ay mayroon ng higit 400 thousand views ang nasabing vlog ni Angeline na mapapanood sa kaniyang YouTube channel.