Inanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Biyernes, Enero 27, na nasa 92% automated teller machines (ATMs) na ang naglalabas ng bagong ₱1,000 polymer banknotes sa bansa.

Sa pahayag ng BSP, 7,274 sa 17,304 ATMs daw ang makikita sa National Capital Region.

Samantala, hinihimok naman ng BSP ang publiko, retailers, at mga bangko na tanggapin pa rin ang mga natiklop na bills, kahit polymer pa ito o papel dahil maaari pa rin itong magamit sa pang-araw-araw nilang transaksyon.

"If doubtful on the value and/or authenticity of a banknote, the public is encouraged to go to any bank for assistance. The bank will then submit the banknote to the BSP for examination," anang BSP.

Sa kasalukuyan, nasa 39 milyong piraso o 7.8% ng kabuuang ₱1,000 polymer banknotes na ang nailabas sa publiko mula Nobyembre ng nakaraang taon.