Mahigit 26 milyong Subscriber Identity Module (SIM) card sa Pilipinas ang nairehistro na batay sa pinakahuling tally na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC).

Ang data ng NTC ay nagpakita na may kabuuang 26,277,933 card sa Pilipinas ang nairehistro na noong Biyernes, Enero 27. Sa bilang na ito, 13,429,530 ang mga subscriber ng Smart Communications Inc. Ang Globe Telecom naman ay nakapagtala ng 10,750,292 registrants, habang ang Dito Telecommunity ay nakapagtala ng 2,098,111 registered SIM cards sa ngayon.

Basahin: Rehistradong SIM card, umabot na sa mahgit 24M — NTC – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ang pinakahuling tally na ito, gayunpaman, ay katumbas lamang ng 15.55 percent ng 168,977,773 existing cards sa bansa.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ang mandatory at libreng pagpaparehistro ay magtatapos sa Abril 26, 2023. Lahat ng aktibong subscriber sa Pilipinas ay kinakailangang sumunod sa batas. Ang mga hindi rehistradong card, gaya ng idiniin ng NTC, ay permanenteng made-deactivate.

“Deactivated SIMs can no longer be used to avail mobile services such as voice calls, text, and data,” pagpapatuloy nito.

Charie Mae F. Abarca