Winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 1 ang mahigit sa ₱7.5 milyong halaga ng tanim na marijuana sa magkakahiwalay na operasyon sa Ilocos Sur at La Union nitong Biyernes.
Aabot sa ₱4,840,000 halaga ng marijuana ang sinunog ng mga tauhan ng PDEA at Philippine National Police sa ikinasang anti-drug operation sa anim na plantasyon nito sa Ilocos Sur.
Sinabi ni PDEA-Region 1 chief Joel Plaza, umabot naman sa 13,620 fully grown marijuana plants na nagkakahalaga ng ₱2,724,000.00 ang nadiskubre sa Sitio Balay, Barangay Sapdaan, Santol, La Union nitong Enero 27.
Binanggit ni Plaza na resulta laman ito ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal drugs sa bansa.