Binati ng Guinness World Records (GWR) nitong Biyernes, Enero 27, ang Pizza Hut at content creator na si Airrack ng Los Angeles matapos makagawa ng pinakamalaking pizza sa buong mundo.

Ayon sa GWR, tinatayang 13,990 square feet ang laki ng nasabing pizza.

Ginawa raw ang dambuhalang pizza sa pagdiriwang ng pagbabalik ng 'The Big New Yorker’ ng Pizza Hut at sa tagumpay ni Airrack na nakatanggap na ng 10 million subscribers sa YouTube.

Ipinamahagi raw ang naturang giant pizza sa iba’t ibang charities sa Los Angeles.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Samantala, ang naging mga sangkap nito ay 13,653 pounds ng harina, 4,948 pounds ng sweet marinara sauce, mahigit sa 8,800 pounds ng cheese, at mahigit 630,496 regular at cupped pepperoni.

Natalo nito ang dating pizza record holder na may sukat na 1,261.65 m² (13,580.28 ft²) na ginawa naman ng NIPfood sa Rome, Italy noong 2012.