Tila umalma ang netizens sa naging pahayag ni Paolo Contis sa isang vlog kung saan nakapanayam nito si Alden Richards at napag-usapan ang 2019 blockbuster movie na “Hello, Love, Goodbye."
Mainit ang diskusyon sa Twitter kung saan ang ilan ay sinasabing ang katambal ni Alden na si Kathryn Bernardo naman ang di umano'y nagdala sa nasabing pelikula.
Matatandaang taong 2019 nang bumida sa isang pambihirang pagkakataon ang dalawang malalaking bituin mula sa magkaibang TV network. Kumita sa box office ang “Hello, Love, Goodbye” ng mahigit 880 million pesos at nanatiling highest grossing film of all time sa Pilipinas.
Sa isang tweet ng Twitter user na si Madam Beki, sinabi nitong pawang katotoohanan lamang ang naging pahayag ni Paolo sa vlog, dahilan upang ma-trigger ang mga taga-suporta ni Kathryn kasabay ng paglabas ng mga resibo na ang aktres ay isang certified box office star at siyang nagdala ng mas maraming audience sa pelikula.
“Haha as if naman ganyan kataas ang gross ng movie without Kathryn. Both of them are no doubt great in acting, pero Kathryn Bernardo brought the majority of the audience. KathNiel has the largest fanbase in the Philippine Showbiz Industry. That's a fact,” lahad ng netizen.
Bukod sa “Hello, Love, Goodbye,” bumida rin si Kathryn Bernardo sa second highest grossing film of all time ng bansa para naman sa pelikulang “The Hows of Us” kasama ang kaniyang nobyong si Daniel Padilla.
Bagama’t nagkakagulo ang fans, hindi naman nakalimot si Alden at malaki ang kaniyang pasasalamat sa ABS-CBN at Star Cinema sa naging proyekto nito sa kabilang bakod at sinabi niya na ang nasabing pelikula ay “make or break” para sa kanya.
Sumangayon naman dito si Paolo dahil ito umano ang naging tulay para mas makilala si Alden bilang isang aktor at hindi lang dahil sa “AlDub” phenomenon.
“Ito yung paraan para ma-prove na hindi “AlDub,” “ALDEN,” maging Alden ako, and na-prove mo. Alden na ba ako without Maine, I’m okay, at naging number 1 movie in the Philippines, so na-prove mo na ‘yun sa sarili mo,” lahad ni Paolo.
Ang trending na bahagi ng vlog ay parte ng ikalawang episode sa 4th season ng “Just In” kung saan host si Paolo Contis, na siya namang mapapanood sa YouTube channel ng Sparkle GMA Artist Center.