Nagulat si Kapuso actor Paolo Contis nang putaktehin sila ni Alden Richards at maging trending topic sa Twitter matapos ang kamakailang pahayag ukol sa tagumpay ng “Hello, Love, Goodbye,” pelikula ng Star Cinema at nananatiling highest grossing film sa bansa.

Ani Paolo, “taken out of context” umano ang kaniyang pinutol na pahayag.

“Obviously yung nag-post, para sa akin, medyo naghahanap siya ng issue. To be honest, kung ako naman yung fan ni Kathryn at yung maikling part lang ang napanood ko, mao-offend din ako,” sey ni Paolo na kaniyang guesting sa “Fast Talk with Tito Boy” ngayong Biyernes.

Basahin: Paolo Contis: ‘Yung number 1 movie ng Star Cinema at ABS-CBN, taga-GMA yung artista’; netizens, imbyerna? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sam Verzosa, nakikita na bang 'The One' ang partner na si Rhian Ramos?

Ang viral na bahagi ng vlog ay parte ng ikalawang episode sa ikaapat na season ng “Just In” kung saan host si Paolo Contis, na siya namang mapapanood sa YouTube channel ng Sparkle GMA Artist Center.

May pakiusap naman ng aktor sa netizens matapos ang trending na pahayag.

“Sana lang, ‘pag nakakita sila ng ganun, They could watch the whole interview because pinag-usapan namin ni Alden ‘yun sobrang thankful si Alden sa ginawa ng Star Cinema para sa kaniya. He was thankful to Kathryn,” ani Paolo.

“I believe, nadala na naman tayo ng clickbait, and sadly, people got at me and Alden,” anang aktor.

Samantala isang netizen naman ang nagbahagi na rin ng kabuuang bahagi ng kontrobersyal na pahayag ni Paolo at tugon ni Alden sa Twitter.

https://twitter.com/whenzymallow/status/1618760858972360704

Isang mensahe rin ang ipinaabot ni Paolo kay Kathryn sa parehong programa.

“I respect you as an actress. You’re one of the biggest actors of ABS-CBN. Sana mapanuod mo ‘yung buong video para ikaw mismo, makita mo na nabigyang-respeto ka naman dun sa interview,” ani Paolo.

Wala pang reaksyon sa isyu ang Kapamilya star sa pag-uulat.