Maraming netizens ang naka-relate sa post ng Grade 10 student na si Franziela Erykha Salang kung saan sinasaway umano siya ng kaniyang lola dahil sa nagdo-drawing na nga ito ay nagfa-Facebook pa.
Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Salang na nakagawian na raw talaga niyang humawak ng cellphone kahit na ano pa ang ginagawa niya.
“Bilang isang gen-z po na adik na adik sa kaka-cp, kahit saan po ay dala-dala ko ‘yung phone ko. Kaya po napansin ako ng lola ko,” natatawang kuwento niya.
May pagka-istrikto daw talaga at protective ang lola ni Salang dahil ito ang nagpalaki sa kaniya. Ngunit may pagka-istrikto man, very supportive daw ito sa kinahihiligan niyang pagguhit.
Kahit na panay ang cellphone at pagguhit nito, priority pa rin naman daw ni Salang ang kaniyang pag-aaral lalo’t malapit na siyang magtapos ng Junior High School.
Sa ngayon ay mayroon nang 4,700 reactions, 66 comments, at 657 shares ang nasabing post. May kani-kaniyang pakulo at galawang “multi-taskerist” din ang netizens sa comment section.
“Ako nga may sketchbook in front ng Netflix, nakatulog... multitasking talaga ,” hirit ng isang netizen.
“Ako na nagno-notes habang nanonood habang nagche-chess,” bahagi rin ng isa.
“Me habang nagpe-plates hahahaha!”
“ML habang nagdo-drawing tsaka nagsusulat ng lecture.”
“Fb na may kaunting drawing,” pabiro namang komento ng isang netizen.
–
Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!