Binura ng TNT Tropang Giga ang 18 puntos na bentahe ng Rain or Shine hanggang sa maiuwi ang panalo, 105-100 sa PBA Governors' Cup sa Ynares Sports Center sa Antipolo City nitong Biyernes ng gabi.

Naghulog ng 44 puntos sina Tropang Giga import Jalen Hudson,RR Pogoy at Mikey Williams sa ikatlong bahagi ng laban.

Napanatili ng TNT ang bentahe hanggang sa tumunog ang final buzzer.

"We just gave credit to Rain or Shine's defense because they really played well.Sometimes, you need to do that, giving credit to your opponents' defense for you to do something," pagdidiin ni Tropang Giga TNT coach Jojo Lastimosa.

Resulta ng drug test ni Nograles, lumabas na!

Humakot naman ng 24 markers si Williams, bukod pa ang 10 rebounds at pitong assists.

Kahit natalo, kumolekta pa rin si Michael Qualls ng 35 puntos at 17 rebounds.

Nasayang naman ang pagod ni James Yap dahil nakakuha lang ng 2 puntos.