Ang Pilipinas nitong Biyernes, Enero 27, ay nagkumpirma ng panibagong 200 kaso ng Covid-19.

Nasa 10,094 ang aktibong kaso o ang mga patuloy na ginagamot o sumasailalim sa isolation, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH).

Nanatili pa rin ang Metro Manila bilang nangungunang rehiyon na may pinakamaraming bilang ng mga impeksyon sa nakalipas na dalawang linggo na may naitala na 908 kaso.

Sumunod ay ang Calabarzon na may 474, Western Visayas na may 248, Central Luzon na may 231, at Davao Region na may 190.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ang pinagsama-samang kabuuang kaso ng bansa ay nasa 4,072,592, kabilang ang 3,996,745 nakarekober at 65,753 namatay.

Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na iwasan ang kasiyahan sa kabila ng mababang bilang ng kaso.

“Kahit na nagpla-plateau ang mga kaso, nakikita natin na manageable na, hindi po tayo dapat magpabaya. Kailangan lamang tuloy-tuloy pa rin ang ating pag-iingat, maging mapagmatyag, tuloy tuloy na gawing protektado ang iyong sarili pati na rin ang iyong pamilya,” ani DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire.

“Importante na sumunod sa pamantayang pangkalusugan katulad ng pagsusuot ng mask kung kinakailangan at saka magpabakuna na po tayo—isa ito sa pinakamabisang pwedeng ipanglaban dito sa virus ng Covid-19,” dagdag niya.

Analou de Vera