“Wag ka nang mawa-walaaaa”

"Yung tipong MAYONNAISE na mismo ang nag-adjust."

Kamakailan lamang ay kinaaliwan ng netizens ang lalaking nag-viral sa TikTok dahil sa pagkanta nito ng "Jopay" na tila wala sa tono. Kaya naman ginaya ang bersyon niya ng maraming netizens at ang ilan ay nagsabing nakararanas ng last-song syndrome (LSS).

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Ang lalaki sa naturang video ay nagngangalang Marlon Paulino Banaag aka 'Kosang Marlon' na isa sa mga pinaka trending online pagkatapos gumawa ng isang rendition ng sikat na hit na kantang "Jopay" na itinuturing na isa sa mga iconic song sa anumang videoke session.

Dahil sa pagiging trending nito, nakilala na rin ni Monty Maclino, vocalist ng banda, si Kosang Marlon. Dahil dito nabigyan siya ng pagkakataong maka-duet ang Mayonnaise na tinaguriang, "The Best Collab of the Year." ng ilang netizens.

“P*tang in* mo sayo pa kami nag adjust.” pabirong ani ng vocalist.

Ngunit kuwento ni Marlon, may pagkakataong nasusura na umano siyang marinig ang sariling rendition ng "Jopay" dahil paulit-ulit itong kinakanta ng mga netizens saan man siya pumunta.

Ang bandang Mayonnaise ay isang Filipino alternative rock band, na pinangunahan ni Monty Macalino at sikat sa pagkapanalo sa “Red Horse Muziklaban” contest noong 2004.

Ang banda ay naglabas ng maraming kanta at nakatanggap ng nominasyon noong 2007 bilang Favorite Indie Artist sa panahon ng MYX music awards, isa na nga rito ang ponakasikat na kantang "Jopay.”

-

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!