Niyanig ng magnitude 3.7 na lindol ang probinsya ng Batangas habang magnitude 3.9 naman sa Surigao del Norte ngayong Biyernes ng umaga, Enero 27.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), parehong tectonic ang pinagmulan ng nasabing mga lindol.
Nangyari ang lindol sa Batangas bandang 11:21 kaninang umaga.
Namataan ito sa layong 13.92°N, 120.48°E - 019 km N 61°W ng Calatagan, Batangas, at may lalim na 108 km.
Isinailalim sa Instrumental Intensity I ang Puerto Galera, Oriental Mindoro at Magallanes, Cavite.
Wala namang naitala ang Phivolcs na naapektuhan ng nasabing pagyanig, at wala ring inaasahang aftershocks sa pinangyarihan ng lindol.
Samantala, niyanig naman ang probinsya ng Surigao del Norte kaninang 9:06 ng umaga.
Mayroon itong layong 10.09°N, 126.25°E - 020 km N 67° E sa Burgos, Surigao Del Norte, at may lalim na 010 km.
Wala ring naitalang naapektuhan sa naturang pagyanig at wala ring inaasahan ang Phivolcs na mangyayaring aftershocks sa naturang lugar.