“What have I done to you people?”

Natutulog lamang ang isang aso sa harap ng tindahan ng nagmamay-ari sa kaniya nang sagasaan umano siya ng isang armored car kahapon, Enero 26, sa General Santos City.

Sa Facebook post ng non-profit organization na Purpaws, ibinahagi nila na habang hinahabol ng nagmamay-ari ang sumasaga sa asong si Doggo, isa naman sa mga naroroon ang nagsilid sa katawan ng aso sa sako para gawin sanang pulutan. Mabuti na lamang at isang miyembro ng organisasyon ang nakakita at agad na binawi ang katawan ng aso.

“Hi! I am Doggo. I may look familiar to you. I am one of those three or four dogs you often seen in Jollibee Lagao waiting for people to give me food, though I already had a meal at home. I live nearby. But today I died. I was killed,” pahayag ng Purpaws kahapon na waring ang asong si Doggo ang siyang nagsasalita.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

“Just because I was a dog, the driver mercilessly killed me,” dagdag nito. “I was only taking my morning nap, why? What have I done to you people?”

Hinahanap na raw ng organisasyon ang nasabing armored car upang mabigyan ng hustisya ang ginawa nito kay Doggo.

Nakapaghain na rin umano ng blotter report ang nagmamay-ari sa kaniya sa Traffic Enforcement Unit at ipinasa na rin ang reklamo sa Land Transportation Office.

Sa ilalim ng Republic Act of 8485 o "Animal Welfare Act of 1998", ipinagbabawal ang pagpatay o pagpapahirap sa mga hayop, tulad ng aso.

Ang sinumang lalabag dito ay maaaring makulong ng anim na buwan hanggang dalawang taon at magmulta ng ₱1,000 hanggang ₱5,000.