Dinala sa ospital ang limang menor de edad matapos makalanghap sa umano'y pagtagas ng ammonia sa Jovares Oxygen and Gas sa Kaingin Streest sa Tinajeros, Malabon City nitong Biyernes, Enero 27.

Sinabi ng Malabon Disaster, Risk and Reduction Management Office (DRRMO) na ang mga biktima — tatlong batang lalaki na may edad tatlo, apat, at siyam; isang batang babae, 13; at isang siyam na buwang gulang na batang lalaki — ang dinala sa Ospital ng Malabon.

Idinagdag nito na mahigit 300 residente ang inilikas bilang pag-iingat.

Hindi pa makumpirma ng mga awtoridad kung ammonia ang tumagas na kemikal.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Diann Ivy C. Calucin